Archive for June, 2005

Jeepney Joy Ride

Tuesday, June 21st, 2005

Ang isang organisasyon ay parang biyahe ng isang pampasaherong dyip…Meron dapat rutang sinusundan…alam kung saan ang pupuntahan…alisto at maingat dapat ang tsuper upang makaiwas sa disgrasya at ng hindi mapahamak ang mga pasahero…Kung walang direksyon na sinusundan ang tsuper, ligaw lahat ng pasaherong nakasakay…"kapag bulag ang uma-akay, bulag din ang inaakay"…

Lahat ay dapat nasa ayos…lahat ay iisa ang direksyon na pinupuntahan…hindi pwedeng iba-iba dahil iisa lang ang dyip na sinasakyan…kung gustong umiba ng direksyon…kelangan ng bumaba sa dyip, at sumakay sa dyip na may tamang direksyon…

Sa isang organisasyon, dapat may direksyon!!! dapat, bawat indibidwal ay alam ang kanyang gagawin upang mapasabay sa direksyon na yun…Malaki ang responsibilidad ng namumuno sa isang grupo…sya ang dapat nakakakita kung tama ba ang direksyon…hindi dapat natutulog, paano nya malalaman kung tama ang landas, kung parating tulog ang namumuno…Anong mararating ng isang grupo na parating tulog ang namumuno??? Dapat ang namumuno may tamang aksyon na ipinakikita upang maging magandang halimbawa sa kanyang mga nasasakop…

Ang daming kupal

Tuesday, June 7th, 2005

Anak ng teteng…

Dami talagang KUPAL dito sa opisina…

May mga nagdudunung dunungan…wala namang alam

Tsk tsk tsk…hay buhay…may hangganan din kayo…hehehe

Sabog

Monday, June 6th, 2005

Mga alas kwatro ng madaling araw

May nangungulit na naman, sira ang tulog pero nakangiti

Naglalakad, walang imik, napadaan sa putikan, umulan kasi kagabi

Pilit tinatanggal ang putik na dumikit sa sapatos, kelangan kasi, bagong shine

Walang pila, daming sasakyan, ano bang meron bakit ganito?

Mga isang oras din ang biyahe, nakatulog na tuloy

Isang araw na naman ang bubunuin ko

Bigyan kaya ako ng dagdag?

Ano kaya dapat kong gawin ??? Matulog din kaya ako ??? zzzzzz

Kung sino ang walang ginagawa, syang meron

Ganito ba talaga dito ???

Umalis na kaya ako ???

Kung sino ang may galing , umaalis

Natitira mga latak, kaya siguro nde umuunlad

Naunahan pa ng mga kapatid, tsk tsk tsk

Kung sino walang silbi, syang inaalagaan

Alam kaya ng guro kung sino ang nangongopya, at kung sino ang kinokopyahan ???

Baka naman may bumubulong

Tama naman kaya ang bulong ???

Iingatan ko muna ang pwet ko, bago kita paupuin…

Ganito dito, akala ko dati hindi…Wala palang kwenta

Uuwi na lang ako…Mas masarap pang magsaka !!!