Jeepney Joy Ride

Ang isang organisasyon ay parang biyahe ng isang pampasaherong dyip…Meron dapat rutang sinusundan…alam kung saan ang pupuntahan…alisto at maingat dapat ang tsuper upang makaiwas sa disgrasya at ng hindi mapahamak ang mga pasahero…Kung walang direksyon na sinusundan ang tsuper, ligaw lahat ng pasaherong nakasakay…"kapag bulag ang uma-akay, bulag din ang inaakay"…

Lahat ay dapat nasa ayos…lahat ay iisa ang direksyon na pinupuntahan…hindi pwedeng iba-iba dahil iisa lang ang dyip na sinasakyan…kung gustong umiba ng direksyon…kelangan ng bumaba sa dyip, at sumakay sa dyip na may tamang direksyon…

Sa isang organisasyon, dapat may direksyon!!! dapat, bawat indibidwal ay alam ang kanyang gagawin upang mapasabay sa direksyon na yun…Malaki ang responsibilidad ng namumuno sa isang grupo…sya ang dapat nakakakita kung tama ba ang direksyon…hindi dapat natutulog, paano nya malalaman kung tama ang landas, kung parating tulog ang namumuno…Anong mararating ng isang grupo na parating tulog ang namumuno??? Dapat ang namumuno may tamang aksyon na ipinakikita upang maging magandang halimbawa sa kanyang mga nasasakop…

Leave a Reply