Archive for July, 2005

Direksyon

Friday, July 15th, 2005

Maraming bagay na lumampas, Mga bagay na dapat ginawa ko dati…May panahon pa naman para gawin ko yung bagay na yun…pero sayang ang mga nakalipas na araw, lingo, buwan at taon…Mga panahon na dapat akong nagtatanim at ngayon sanay panahon na ng pag-aani…Mahalaga ang oras, kaya dapat gamitin sa wastong pamamaraan…Medyo nagkaroon ng konting pag-sisisi pero para saan pa kung mag-sisi…Hindi rin naman makakatulong… Ngayon ko nararamdaman ang malaking responsibilidad at simula kong nauunawaan kung bakit nangyayari ang mga bagay dati…Ngayon ko lang naunawaan kung bakit iba ang kilos ng mga tao sa paligid ko…kung meron lang sanang nagpaintindi sakin ng mga bagay na iyon, dapat sana hindi na pina-iral ang galit, inis at tampo…

Masaya at kuntento ako sa mga bagay na nangyayari sakin ngayon…nanduon ang direksyon na matagal ko ng hinahanap…bagay na magbibgay sakin ng lakas ng loob at tiwala sa sarili…kaalaman na magagamit sa pang araw-araw na pamumuhay…

…………….Itutuloy!!!