Talinghaga
Friday, December 28th, 2007Gumising ng maaga, medyo hirap pang bumangon
Deretso sa upuang jethro, umupo at sabay idlip ng konti habang may bumabagsak
Alis na at baka ka maantala, maraming umuuwi at baka masikip ang kalsada
Walang tagas ng langis, ayos ang tubig at iba pa
Medyo gutom ng konti, ayos lang at may libreng chicha mamya
Maraming binabalak, sana lahat maging maayos
Hindi ako nawawalan ng pag-asa, basta alam ko ito ang tama
Maraming hirap na pinagdaanan, pero ayos lang masaya naman
Hindi importante ang dilaw, ang importante may tuldok na ngiti
May mga importanteng bagay akong nakakalimutan
Bagay na makapag-bibigay ng walang katapusang liwanag at saya
Ito yata dapat ang pinaghahandaan ko muna, bago ko simulan ang iba
Hindi ko maintindihan kung bakit parating nawawala sa aking isipan
Sana hindi Nya ko makalimutan, kahit na madalas syang wala sa aking sintido
Lagi na lang akong humihingi ng tawad, nangangako na kakalimutan ang kaliwa’t kanan
Deretso lang parati, ang dapat kong puntahan
Hindi ko alam kung bakit sumasalungat
Sana tama na lang lahat, lagi akong nalilito
Nawawala sa tamang direksyon, sa lugar na alam ko naman dapat
Nasa harap ko na, pero parang ang hirap kunin at hawakan
Ganito ba talaga to, may iba kayang nakaka-alam?
Ang mahirap pilit na pinadadali, ang madali ginagawang mahirap
Sumasakit na ulo ko, parehong ulo —hehehe
Dapat ko ng tapusin at medyo malapit na
Mahahanap rin kita, kahit nahihirapan ako sa iyong TALINGHAGA