Sabog

June 6th, 2005 by dratbu

Mga alas kwatro ng madaling araw

May nangungulit na naman, sira ang tulog pero nakangiti

Naglalakad, walang imik, napadaan sa putikan, umulan kasi kagabi

Pilit tinatanggal ang putik na dumikit sa sapatos, kelangan kasi, bagong shine

Walang pila, daming sasakyan, ano bang meron bakit ganito?

Mga isang oras din ang biyahe, nakatulog na tuloy

Isang araw na naman ang bubunuin ko

Bigyan kaya ako ng dagdag?

Ano kaya dapat kong gawin ??? Matulog din kaya ako ??? zzzzzz

Kung sino ang walang ginagawa, syang meron

Ganito ba talaga dito ???

Umalis na kaya ako ???

Kung sino ang may galing , umaalis

Natitira mga latak, kaya siguro nde umuunlad

Naunahan pa ng mga kapatid, tsk tsk tsk

Kung sino walang silbi, syang inaalagaan

Alam kaya ng guro kung sino ang nangongopya, at kung sino ang kinokopyahan ???

Baka naman may bumubulong

Tama naman kaya ang bulong ???

Iingatan ko muna ang pwet ko, bago kita paupuin…

Ganito dito, akala ko dati hindi…Wala palang kwenta

Uuwi na lang ako…Mas masarap pang magsaka !!!

Salamat

May 29th, 2005 by dratbu

May 30, 2005

Two weeks ago, pauwi na ko at nakasakay sa service van…medyo traffic at naktulog ng konti…pagbaba ko, pansin ko na nahulog sa bulsa ko yung celfone ko…habang nakasakay sa tricycle…iniisip ko na kung anong unit ang ipapalit ko sa nahulog kong celfone…

pagdating ko sa bahay, sinubukan kong tawagan kung buhay pa telepono ko,…may sumabot, babae…napulot daw nya telepono ko na nahulog ko sa sasakyan…kunin ko lang daw sa pinapasukan nya sa rockwell…sa isang salon beside brothers burger…kinabukasan nun, pinuntahan ko at nakuha ko rin yung celfone ko…

nakalimutan ko man yung pangalan nung nakapulot ng celfone ko at pangalan nung pinapasukan nya,hindi ko naman makakalimutan yung magandang loob na ginawa nya…bahala na ang may likha na gumanti sa magandang loob na pinakita nya…Salamat sayo kapatid…

Bakit nga ba dratbu???

May 26th, 2005 by dratbu

Si dratbu at raffy ay iisa…ako yun… Diego Ratbu na naging dratbu for short…

San ko ba nakuha ang dratbu???

<p>Nagcreate ako nun ng account ko sa hotmail sa bahay ng barkada kong si Alejandro Hilario Jr., kapapasa ko pa lang nun sa CPA board exam, medyo relax ng konti kaya nasa bahay ng barkada, bagong gawa pa lang kasi mansyon nila Don jun2 kaya sarap tambayan, kumpleto ng meryenda at air conditioned pa kwarto, …halos lahat ng gawin kong account name na related sa pangalan ko ay may nakakuha na…Hanggang sa maisip ko na lagyan ng Ratbu yung Diego…Nung panahon kasi na yun walang may gusto ng Diego na pangalan, kasi tunog kriminal…Kaya malamang konti lang gumamit nun sa pagcreate ng account sa hotmail…sa hindi inaasahan, may gumamit na rin pala nung account na yun…hanggang sa napaikli, imbes na diegoratbu, naging dratbu na lang… ok na rin, kahit papano astig parin!!! hehehe

…Sa mga beachboyz…

kelan ba mauulit yung outing natin last week? sa susunod sana makasama naman yung iba…alam naming medyo busy kayo sa trabaho at pamilya…minsan lang naman mangyari na mabuo ulit tayo, kaya sa susunod medyo paghandaan na natin…isa pa, tumatanda na rin tayo, baka sa susunod na magkita tayong lahat e, meron ng hindi makayuko…hehehe….isa pa yung iba nating katropa nasa abroad na, susundan pa ng isa…baka sa susunod na bumalik yung mga nasa ibang bansa e wala na silang datnan…

Simple pero malalim

May 26th, 2005 by dratbu

Dios-Diosan (Yano) - Dong Abay/Eric Gancio

Intro: E-E/G#-A-B-E-D, A/C#, A-; (2x)

E                      E/G#
Nakaukit ang pangalan mo
                        A
Sa lapidang gawa sa tanso
              B
Ang alam ko ang panginoon
E            D, A/C#, A
Ay walang pangalan.

Chorus
  B           A
Dios-diosan, ari-arian
  D           A
Dios-diosan, ari-arian
  B           A
Dios-diosan, ari-arian
  B           A
Dios-diosan, ari-arian.

Interlude: E-D, A/C#, A-; (4x)

(1st verse chords)
Nakatira ka sa isang mansyon
Katulong mo’y isangdaan
Ang alam ko ang panginoon
Ay walang tahanan.

(1st verse chords)
Inaangkin mo ang lahat
Eskwelahan, negosyo at lupa
Ang alam ko ang panginoon
Ay walang kayamanan.

Repeat Chorus

Ad lib: B-A-; (8x)
        E-E/G#-A-B-E-D, A/C#, A-; (2x)

Repeat Chorus

Finale: E-D, A/C#, A-; (4x)
        E hold

Urban bank case

May 18th, 2005 by dratbu

All about urban bank case…see how the philippine justice system works… http://www.urbanbank.info/ 

Read the other side of the story, and you be the judge…http://www.bsp.gov.ph/archive/News_2000/2000-10/news-10132000.htm

Noah’s ark

May 18th, 2005 by dratbu

all about noah’s ark… http://www.wyattarchaeology.com/noah.htm

Buhay

May 17th, 2005 by dratbu

Ano ba talaga ang silbi ng buhay? ano ba talaga ang dahilan kung bakit tayo nandito sa mundo??? naitanong na ba natin ito sa ating sarili???

Nabubuhay ba tayo para mag-aral, magkaroon ng magandang trabaho o negosyo, magkaroon ng pamilya, at magpakayaman??? e paano kung hindi tayo nakapag-aral, nagkatrabaho, nagkaroon ng pamilya at yumaman??? may silbi pa ba buhay natin???

Madalas ko itanong sa aking sarili kung ano ba talaga ang silbi ko sa mundo…ano nga ba talaga??? gusto ba ng lumikha sa akin ang mga bagay na ginagawa ko ngayon??? bakit nga ba nya ako nilikha??? akin ba syang napagsisilbihan ng tama??? siguro nga, yun ang dahilan kung bakit ako nabubuhay dito sa mundo…ang pagsilbihan sya…pero kelangan ko bang mag-aral, magkaroon ng magandang trabaho at posisyon sa opisina, magkapamilya at yumaman para akin syang mapagsilbihan???

Marami sa atin at ayon narin sa aking napupuna, madalas! pangsariling kapanan lang ang iniintindi (kasama na ko dun)…paano kaya kung naiba ang ating pananaw sa buhay…paano kung lahat tayo ang gusto ay magsilbi imbes na pagsilbihan??? Eto nga ba ang sagot sa aking unang tanong??? Na ang aking SILBI dito sa mundo ay ang MAGSILBI??? Pero paanong pagsisilbi ang aking gagawin at sino ang aking pagsisilbihan???

Parehas ba tayo ng iniisip???

-reb

The ramones

May 16th, 2005 by dratbu

If you like punk rock…visit the ramones website http://www.ramones.com , if you like beat, i have a complation of their songs in mp3 format that i can share with you…gabba gabba hey!!!